1. Ganito kasi yon, Nagumpisa ang lahat last Christmas 2004, hindi pa kami non, friends and officemates pa lang at isa ko siyang masugid na tagahanga na TL (tulo laway-oops…wag magagalit) sakin. Hinanap nya ang bahay namin sa mapa ng Pilipinas. Sumuong mag-isa sa liblib na barrio ng San Vicente para hanapin ang barong barong namin na inisketch lang ng friend ko ang itsura. At dahil gusting gusto niya ko ay nahanap nga niya. May dala pa siyang bonggang bonggang flowers at sang box na pizza. Kasamaang palad busted siya, tanghaling tapat ba naman kung umakyat ng ligaw, natutulog pa ang tao e. Hindi naman natapos lahat doon. Masugid talaga ang kalbo. Itinuloy tuloy lang niya ang pagdadala ng sandwich at ensaymada sa office dahil alam nya na hindi pa ko nagbreabreakfast. Ang style niyan magchat chat kami sa pop-up ask nya what time ako uuwi, sasagutin ko di ko sure at mag-oOT pako, ask ko siya what time sya uuwi sabihin nya OT din siya. Pero pagtuntong ng 5PM at naisipan kong tumayo at mag-out, ayan na yan kasunod ko ng mag-aout. Ako naman para may kausap sa biyahe at safe na makauwi, sige sumabay na din siya (para libre na din ako pamasahe, may padinner pa. Yeheeyyy!).
2. Hindi sya sweet na tao, hindi sya mushy, pero he never fails to remember our monthsaries and anniversaries, Minsan naudlot ang plano nyang magbigay ng valentine’s card sakin dahil sa sobrang kalkal ko ng bag nya ay nahagilap ko ang card na balak nyang ibigay wala pang sulat yon. Pilit nyang hinablot yon. Pinagtawanan ko sya. Lingid sa kanya ay natouched naman ako. Para sakin mas touching yun hindi nya nature at ugali ang gawin ang isang bagay pero nagagawa niya. Ibig sabihin, mahal niya talaga ako.
3. Nang pumunta kami ng Russia, nakasama ko sya sa bahay. Hindi siya lalaking marunong gumawa ng gawaing bahay, hindi din marunong magtroubleshoot ng doorknob na sira at tubong may leak at aminado naman siya doon. Pag hinayaan kong gawin niya baka lalo nya pang sirain. Ahahahh! Ako ang katulong, (siya ang tagakalat…heheh!), Ako ang cook at labandera at assistant ko siya. Pero one time dahil antok na antok na ko pinilit niyang maglaba, gabi na non at nakatulog na ko. Paggising ko nalabhan na niya lahat at pinakita niya pa sakin ang nagkasugat sugat niyang kamay. Natuwa talaga ako non sa kanya. Ayoko kasing ipalaba sa laundry ang mga panlakad para hindi masira. Hindi nga nasira pero mabenchot at malagkit naman ang laba. Ahahahah. Anyway basta laba nya mabango na din sakin at masarap suotin (kahit malagkit at maasim).
4. Pag nag-aaway kami, siya yun taong hindi ka sasabayan ng galit. Sa halip, ay mananahimik na lang. It really tears my heart apart to see him very calmed and very gentle. To see him like that, sinong tao pang magkakaganang awayin siya? When he does something wrong even very small mistakes, he never fails to say sorry and I know he really means it. Kaya madalas walang tumatagal na away samin. Walang kachallenge challenge tuloy..tsk! tsk! Walang kakwenta kwentang kaaway! Haaayyy!
6. He is a family man. Bakit? Mahal nya ang pamilya niya. Magalang at masuniring anak. Maalalahaning kuya at panganay. Hindi matigas ang ulo. Ramdam sa kanilang bahay when he’s around masaya ang paligid. (hindi pa man nagrereact na si Trisha ingay ingay daw ng kuya nya pag naliligo, nakakarinde!).
7. There is no dull moment when we’re together. Maarte din siya at madrama. Maeffort mangharot at mangasar kaya pag naumpisahan ang harutan tuiloy tuloy na ang halakhakan namin. Hyper kumanta at sumayaw (wag lang aantukin). Weakest part nya ang talampakan kaya pag nagalaw ko yon masisipa nya ko sa sobrang kiliti at fulfilment sakin yon. Madaming bloopers sa katawan din yan. One time, nun nasa apartment pa ko nakatira, syempre nagpaparefill lang ako ng tubig pang-inom. Dahil sa hindi ako nakapagpadeliver at gabi na, sabi ko “Hayy,buti na lang may natitira pa ko sa ref. na konting tubig.” Nang Mauhaw ang mokong, naging mabilis ang mga pangyayari, kinuha niya ang bote at habang pinapaalala ko pa lang sa kanya na wala ng tubig ininom nya ng mabilis at pagkasarap sarap right in front of me. Pagkatapos maubos ay sinabi nya sakin “Ay, akala ko joke!”. Ansarap niyang kalbohin ng mga oras na yon. May dark secret din yan, Umuutot siya ng napakalakas sa kalagitnaan ng pagkasolemn na solemn na loving loving. Kaya pagkatapos ng dumadagundong na utot na yon, naglahong bigla ang kung anumang nararamdaman namin sa isa’t isa ng mga oras na yon. Ang romansahan ay napapalitan ng masigabong halakhakan. Bakit enjoy na enjoyakong kasama siya, Simple lang walang kahangin hangin at ere sa katawan. (Sa akin lang naman nagyayabang ng pagkayabang yabang niyan e.) Sya din yun tipo ng tao na we can talk anything under the sun. Mi ultimo walang kapararakan at kabalbalan na mapagtatawanan hanggang religion at politics may ibubuga yan. Yun nga lang mas madalas ang kabalbalan. Hehehh.
8. Galante sakin yan. Hindi nya ko tinitipid lalo na pag may gusto akong kainin at puntahan. He is not fond of surprises, pero minsan unpredictable yan. Bibigyan ka ng watch, ng pabango, ng bag, ng laptop. Inaantay ko ngayon ay kotse at bahay, kelan kaya? (Kung nasan ka man mahal ko, sana’y nababasa mo ang mga sinulat kong ito)
9. Hindi din siya marunong magsinungaling at mas sinungaling pa ako sa kanya. Very “ANEST” (honest) madali siyang mabuko kasi di marunong (well, sana wag niya ng matututunan…tama ng ako na lang.) Kahit di ko tanungin dahil hindi naman ako mahilig maginterrogate, ang gusting gusto ko sa kanya open sya sa akin. Nalalaman ko agad pag nagmemessage sa YM ang exes nya. Very straight kasi yang si RJ ayaw din nya ng dinadaan sa kadayaan at pagpapanggap. (Ewan lang pagdating sa timesheet sa office. Yun otsooras nagiging dose oras. Ahahah) Last time, sinamahan nya ako sa DFA. Dahil bawal ang mga escorts, sabi ko sa kanya hawakan niya ang envelop ko kunyari applicant din sya. Kahit anong pilit ko ayaw niya, paano dawkung mabuko at mas pinili niya na lang na mag-antay sa labas kaysa magpretend na applicant. Ayaw nya ng ganoon at hindi daw siya komportable baka daw mahuli siya e di sige mag-antay na nga lang siya sa labas.
10. Tulad ko hindi din siya seloso at possessive. I can go wherever I want, whoever I’m with basta ipaalam ko lang sa kanya. Hindi issue samin ang selosan. Basta ang motto namin: Stay away from things and people who seem to us can ruin our marriage. Tama bang English ko? Parang ganun na nga. Pero ewan kobaka meron akong mga hindi alam na kababalaghan. Heheheh. Basta my trust is in him at bahala na siya don.
11. Wala siyang anumang bisyo. Hindi siya umiinom, hindi nagssmoke, hindi nagsusugal, etc. kaya smooth ang samahan naming. Walang reason para mag-away kami pero minsan hindi maiiwasan ang mga petty quarrels lalong lalo na pag malapit na ang monthly period. Pasensya nalang mahal ha, kahit walang pag-aawayan, nagkakaroon. Ang bisyo lang niya: magsulat ng blog, magPSP at magbasketball and all about Dwayne Wade and Paquiao, (nagseselos na nga ako minsan e…anong meron sa kanila na tinatangi tangi nya na wala sakin?). Ang bonding moment namin ang matulog, magkulitan, kumain, magmall, maglagayan ng tattoo gamit ang marker, magsurf ng net sa kanya kanyang laptop na wala ng pansinan at pakialam sa isa’t-isa, magPSP, Dati kumain ng fishball, tuknene at isaw sa UP pero feeling ko buntis pa din ako kaya refrain from eating muna ng street food si bachoinkchoink.
12. Antukin yan Di bale ng gutom basta sagana sa tulog. Kasi daw nagkadikit na yun mga mata niya. Kaya hayun, gutom ang inaabot ko kung sasabayan ko siyang magising. Babangon na lang agad ako at magkakape sa umaga tapos, timing na yon pagkakain ko ipagpreprepare kona siya ng breakfast at iseserve in bed at magigising na siya. Appreciated naman nya yun maliliit na pandesal with cheese na ininit sa microwave at kape na Lingzhi.
13. Sweet siya in a way na mahilig syang mangyakap, laging nakaalalay, nakaangkla, nakaakbay at hawak ang kamay ko. Kahit saan kahit kelan. Gustong gusto namin yun nauuna ang isa sa escalator syempre magpapantay kami sa escalator pag pababa o pataas at gusto nya yun yayakap kami at magkikiss. PDA nga ang damuho! Ganun din naman ako sa kanya hahawakan ko ang kamay nya at ikikiss sa public parang siya yun girl samin tapos magtatawanan lang kami sa kahihiyan. Gusto din nya yun nagdradrive na holding hands kami kesehodang kasama na ang kamay ko sa pagkambyo.
14. Lastly, He made me feel like a queen noon manganak ako. Siya yun gumigising sa ospital ng madaling araw pag maweewee ako,siya nagpapalit ng diaper ko. Ibinabangon nya ko at sinusubuan ng pagkain. Nun makauwi na kami ng bahay Lahat ng gusto ko iniaabot nya sakin kahit kakababa lang niya at may kulang, baba ulit siya para kunin ang gusto ko. Tapos twice a day nya nililinis yun opera ko, Papalitan ng bandage at aapplyan ng ointment. Dahil di pa ko pwedeng maglakad lakad bedpan muna ako nagweeweewee. siya yun babangon at aalalayan ako,siya na din nagtatapon ng weewee at naglilinis ng bedpan. Dahil sa hindi pa ko pwedeng maligo, sponge bath muna. Papasok na lang sya sa room dala ang palanggana at pupunasan niya na ko from head to toe, bibihisan and all that. Minsan para hindi na ko tumayo sa bed para magchuchutbrush dala dala nya na ang palanggana, tubig at toothbrush. Sa iba nakakabawas ng machismo pero ginawa nya lahat yon for more than a month hanggang sa gumaling na ako at lumakas.
Para sa akin, he is an answered prayer from God. What could I ask for, He gave me a very loving, kind, responsible and kwelang husband. Ngayong wala pa kaming mga supling, siya na at yun pagsasama namin ang maituturing kong kayamanan sa ngayon ha. Sana lang walang magbago sa kung anuman ang meron kami ngayon.
Ngayon umalis na naman ang mahal ko para kumita ng aming ikakabuhay. 6 months paulit bago kami magkita. Haaaayyy miss na miss ko na nga siya. Kahit laging tulog, iba talaga pag andiyan lang siya sa tabi tabi.
PAUNAWA:
Ang lahat ng nasusulat sa pahinang ito ay pawang kathang isip lamang at huwag paniniwalaan lalo na yung magagandang katangian. Anuman ang pagkakahawig sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng sumulat at napag-utusan po lamang. Kala ng kalbong to bida siya! Bwahahahahahah! Peace! I love you so much baby ko!
Friday, January 9, 2009
Com Ern! Ang unang salita na natutunan ko sa wika ng Vietnam na nangangahulugang “Thank You”. Hindi naman talaga namin balak ng twin bro ko na magpunta dito. Nagkataon nga lang na sarado ang airport ng Thailand at para lang matuloy ang plano naming bakasyon at libre nyang tour ay nagpabook na sya ng Hongkong to Hanoi (ang kabisera ng Vietnam) Dahil walang available trips from Manila to Hanoi at kailangan kong lumipad pa HK para imeet ang kapatid ko na maglilibre sakin. Bago iyon ay nagsearch na ako sa internet ng kung ano anong meron sa Hanoi. Sa pictures pa lang ng mga lugar at mga tao ay walang pinagkaiba sa Manila pero bakit kaya gustong gusto itong puntahan ng mga turista kahit sang panig ng daigdig. Katunayan ang naging pang apat pa ito sa most visited country in Southeast Asia samantalang pumang-anim lamang ang bansa nating Pilipinas. Karamihan sa mga bumibisita ditto ay mula pa sa hilagang kanlurang mga bansa. “Sige nga subukan natin ang Hanoi at tuklasin kung ano ang meron doon.”
Dec.03’08 Wednesday
Pagdating ko ng Hongkong ay namili na kami ng mga jacket at sweatshirt sa HK. Ayon sa weather forecast ay ganitong panahon na ang pinakamalamig sa Vietnam.kahit abalang abala ang kakambal ko sa kanyang trabaho ay lumiban muna sya para lang matuloy ang lakad namin na ito. Sa eroplano pa lang ng Vietnam Airlines ay excited na excited kami. Andiyang kinakausap na kami ng wikang Vietnamese dahil wala naman pinagkalayo ang lahi natin sa mga lahi nila.
Dec.05’ 08 Friday
Dec. 05 Pagdating namin ng airport ay nabiktima na agad kaming panunulak. Sadyang ganun yata ang mga Vietnamese touchy sila. Maybe, it’s their way of saying excuse me. Nakaabang na sa amin ang susundo para dalhin kami sa Citygate Hotel kung saan kami nagpabook. Ayon kasi sa nasulat ng Lonely Planet na book for tourist friendly at maasikaso ang Hotelna to. Sa huli ay nalaman namin na wala palang laws on copyright ang bansang ito kaya madami ang may pangalang Citygate na hotel dahil highly recommended ang Hotel na to.
Sa daan pa lang mula sa airport at nagumpisa na kaming magmatyag sa aming mga dinadaanan. Madami ding bukirin ang Vietnam. Para ka ng dumadaan sa NLEX pinagkaiba lang ay mga bato at semento ang mga bahay nila, yari sa bricks ang mga pader at may strong frnch influence ang mga disenyo ng bahay at mga gusali.
Pagdating namin sa Citygate Hotelng bandang ala-sais ng gabi ay iniwan muna naming ang aming mga bagahe at nagumpisang maglibot sa mga kalye ng Hanoi sa Old quarters. Animoy binabaybay namin ang Intramuros, Qiapo at Malate pati na din Divisoria dahil walang pinagkalayo ang itsura ng mgakalye sa atin. Kakaiba ang aming naranasan dito dahil nahirapan kaming tumawid ng mga kalsada dahil sa dami ng motor at mga Cyclo (version nila ng padicab kung saan nasa harapan ang pasahero at nasalikod ang driver) na halos sakupin naang mga kalsada. Balak sana naming manggilid sa mga sidewalk pero halos kainin na ito ng mga carinderia sa kalye. Ang treetfood doon ay niluluto sa sidewalk. Ang mga pagkain ay karaniwan mga noodles (Pho sa wikang Vietnamese), naghambalang ang mga lamesa at kiddie chair. Napansin namin na buhay na buhay ang mga kalye dahil punumpuno ng mga motor ang mga kalsada at punumpuno ng mga kumakain ang mga sidewalks pag rush hour.
Kakain na kami ng dinner kaya naglakad kami papuntang Quan An Ngon. Recommended din kasi ito ng Lonely Planet. Malayo layo dinang aming nilakad sa sanadali pa lang na nakakalakad kami at sa kabila ng lamig ng panahon ay hindi ko naiwasang pagpawisan. Marahil ay sa tension na inabot naming sa pagtawid tawid ng mga kalye sa dami ng motorsiklong maaring makabangga samin.
Nahanap din namin ang Quan An Ngon. Magandaang ambience madaming yuppies at foreigners na kumakain. Mukang masarap. Umorder kami ng Pho, grilled squid, veggies na parang stirfried kangkong at spring roll. Hindi nga kami nabigo masarap nga sya with matching Hanoi Beer at Vietnamese coffee. Panalo ang lasa ng kape. Nagikotikot kami sa paligid ng hoankiem Lake. Nakita din namin ang isang brand ng yosi na may pangalang Bastos. Nakakaaliw dahil nagkalat pala ang mga Bastos sa mga kalye ng Hanoi,may Bastos Filter,may Bastos International at ibpa., hindi nga lang ito sikat at mabentang brand sa Hanoi pero sating mga pinoy ay malakas ang hatak brand name pa lang. Pagkatapos,ay bumalik na kami ng Hotel. Nagpapalit muna kami ng US dollars to Dong. Sa unang pagkakataon ay nakahawak din kami ni Leo ng isang milyon (ang palit sa peso ay bawasan ng tatlong zero multiplied by 3 kaya ang 1,000,000 dong ay P3,000).
Dec.06’ 08 Saturday
Sumunod na araw, maaga kaming gumising dahil nakaschedule ang aming City Tour kasama ang tour guide na si Trang from Hanoi Kids (group of students who offers tour guide for free just to practice their English) . Sumakay kami ng taxi papunta sa mausoleum. Di ko alam sino bang pupuntahan doon hanggang sa dumating na kami sa Mausoleum of Ho Chi Mihn ng tinatawag nyang Uncle Ho (tawag ng mga Vietnamese kay Ho Chi Mihn ang kanilang greatest leader na nagpasimuno ng communism na nagpalaya sa kanila mula sa pananakop ng Frances. Pumila kami, iniwan ang camera’s sa baggage counter at isa-isang pumasok sa isang malaking bulwagan kung saan makikita ang animoy wax na katawan ng nasabing bayani. Dahil masipag at informative si Trang ay madami kaming natutunan sa kanya lalo na ang history ng Vietnam during the French Colonization.
Pagkagaling doon ay binisita naman namin ang Palace na counterpart ng Malacanang sa atin. Ayon sa kanya ay pinili ni Uncle Ho na manirahan na lamang sa bundok at makiisa samga simpleng tao kaysa saisang magarang palasyo na ngayon ay pinagdadausan na lamang ng mga convention. Pagkatapos noon ay dinala nya naman kami sa Museum at sa One Pillar Pagoda.
Sumunod doon ay binisita naman namin ang Temple of Literature. Ito ang oldest university ng bansang Vietnam. Dito unang itinuro ang mga aral ni Confucius at dito din unang nagsipagtapos ang mga kauna-unahang doktor ng bansa.
Dahil oras na ng tanghalian ay niyaya namin siyang kumain. Hindi naming alamang mga masarap na kainan kaya’t ipinaubaya na naming kay Trang ang pamimili ng kakainan. Sabi naming ay “Any will do.” She was surprised to know that we’re very game to eat anywhere. Dadalhin daw niya kami kung saan masarap ang Bun Cha (Vermicelli noodles with grilled pork and soup). Malayo pa lang ay itinuturo nya na ang kainan wala naman kaming natatanaw na magandang kainan hanggang sa sumapit na kami sa isang maduming karinderya. Nagkatinginan kami ng aking kapatid animo’y tinatanong ang isa’t isa “ano kakain ba tayo diyan?”. Sa totoo lang ay hindi kami pihikan sa kainan as long na malinis. Dito sa Pinas ay mahilig din kaming kumain sa pares at lugawan sa tabi tabi.
Naupo na kami at naglinga linga sa paligid ng kainan. Madumi ang mga bamboo chopsticks na ilan na yata ang gumamit at ngumatngat. Ang pinagpriprituhan ng spring roll (lumpia sa atin) ay nangingitim na. Madumi ang kusina na hindi mo aakalaing kusina. Nagkataong nagCR si Trang. Gusto na naming umalis ngunit isa isa ng isinerve ang mga pagkain. Nakakhiya naman kay Trang kung aalis kami. Humingi na lang kami ng hot water para ibabad ang mga chopsticks. Solved na kami doon. Pepsi in can ang inorder ko para di na mangailangan ng baso. Akala ko ay OK na nang iserve ang pepsi in can may lupa ang ibabaw na kung saan ako iinom. Pinapalitan ko na lang dahil baka ebs ng daga or what iyon. Nang iserve ganun din kaya pinunasan ko na lang ng tissue.
Hindi kami nag-enjoy ni Leo sa aming kinain. Nagawa na lang naming tiisin dahil nakakahiya kay Trang. Sabagay ay mura lang naman ang aming binayaran pero kahit matagal tagal na kaming nakatapos kumain ay parang may after taste. Siguro it’s just all in the mind na madumi ang aming nakain. May kaisa isang mentos ako sa bag kaya kinain ko na maiba lang ang aking panlasa. Sumunod akong nagyayang magkape para lang talaga tuluyang mabura ang aming experience sa aming kinain na Bun Cha.
Dinala nya kami sa Highlands Coffee. Siguro ay ito ang starbucks nila sa Hanoi. Umorder kami ng vietnamese ice coffee and cheesecake. Solved naman dahil ang sarap ng kape nila at cheesecake plus ang masarap naming usapankasing sarap ng pagkakaupo ko sacouch dahil mistulang namaga ang mga daliri ng paa ko kalalakad. Hanga ako kay Trang dahil parang kayang kaya niyang ikutin ang Hanoi ng kalalakad at hindinagrereklamo ng sakit ng paa. Samantalang gusto ko ng umuwi at wag ng maglakad ng isang lingo sa sakiut ng aking paa. Dahil kami ang kauna-unahang Pinoy na turistang sinamahan ni Trang ay naging interesado siyang magpaturo ng ating lenguahe.
Sumunod ay dinala niya kami sa temple sa gitna ng Hoan Kiem Lake. Napansin ko sa kanilang mga Vietnamese ay ang mayamang kultura. Mahilig sila sa mga alamat ng dragon, ng pagong at ng kung anu ano na inirerelate nila sa history ng bawat pinupuntahan naming. Mayaman sila sa kasaysayan mulasapanahon ng mga hari, hanggang sa pananakop ng mga Frances. Pagkagaling sa Hoan kiem lake ay pumunta na kami sa pagdadausan ng water puppet show para bumili ng ticket na aming papanuoring ng 9pm.
Alam naming pagod na si Trang at nahihiya na kami sa kanya. Sabi naman niya ay ayos lang dahil nag-eenjoy naman siyang kasama kami. Kaya’t dinala naman niya kami sa Opera House at sa National Museum at sa St. Joseph’s Cathedral. As usual ay nagpicture picture kami kahit talagang susuko na ang aking mga paa. Pagkatapos non ay inisa isa naman naming ang mga art shops para bumili ng painting na souvenir ng Vietnam. Masakit na talaga ang aking paa kaya tinanong ko kay Trang kung saan makakabili ng nail cutter. Dinala niya kami sa animo’y divisoria ng Vietnam. Dahil rush hour na ay sangkaterbang motor na ang nagdadaanan sa mga kalsada. Sa totoo lang ay breathtaking and perspiring ang ginagawa naming pagtawid. Parang by chance lang na makatawid. Hindi priority sa bansang ito ang pedestrian. Lahat ay nakamotor. Sabi nga ay mga muka kaming Vietnamese wag lang magsasalita at matataranta sa pagtawid malalamang ibang lahi kami.
Umuwi na kami sa hotel. Hinatid na kami ni Trang para na rin kunin ang pinarada niyang motor sa hotel. Mabait si Trang ni hindi humingi ng tip bagkus ay nagpasalamat pa sa amin. Nagenjoy din naman siyang kasama kami. Sa wakes ay nagkaron na din ako ng pagkakataong makapaggupit ng kuko. Anong sarap wala ng sagabal sa aking paglalakad.
Nang makapaghilamos at makapagpahinga ay lumargana ulit kami ng aking kapatid. Pumunta kami sa Hoam Kiem Lake. Kumain sa Pho24 (isang fastfood). Natuwa kami saaming mga kinain kaya paglabas namin ay akmangkukunan ni Leo ang labasng Pho24, hinabol kami ng cashier. Akala namin ay kung anong problema, yun pala ay namali ng kwenta ng bill binayaran na lang namin ang kulang. Nawala na sa loob namin ang pagkuha ng picture.
Masarap ang naging kwentuhan naming magkapatid habang naglalakad sa kahabaan ng lakeside. Napag-usapan namin ang mga pinagdaanan namin noong nagwowork pakami sa Pinasat sumusweldo ng kakarampot. Ani namin ay hindi namin ma-eexperience ang magtour sa Asia at maipasyal si nanay sa HK kung hindi kami nakapag-abroad. Yun naman ay consolation na namin sa mga sacrifices namin na magtrabaho sa ibang bansa at malayo sa aming pamilya at habang wala pa kaming mga anak na binubuhay.
Malayo na ang aming nalalakad sa sarap ng aming pagrereminisce na magkapatid nang mausisa niya na walana sa kamay niya ang digicamnya. Hinanap nya sakin ang natandaan niya ay inabot niya sakin ang alam ko naman ay nasa kanya at habang naglallakad ay sumagi sa isip ko na hindi na nga pala namin napicturan ang Pho24. Nataranta na kami at bumalik sa Pho24 para itanong kung may naiwan. Pero wala na kaming babalikan. Narealized na lang namin na maaring nahablot ang digicam niya habang kami ay naglalakad ng hindi niya namalayan. Laking panghihinayang dahil may sentimental value iyon kay Leo na kaunaunahan niyang napundar na gamit mula sa kaniyang pagaabroad. Nakakahinayang din ang mga pictures namin sa aming city tour.
Sira man ang gabi namin at galit na galit sa taong nagnakaw ng camera niya ay minabuti na naming pumunta na sa Water Puppet Show ng 8:30PM. No choice dahil nakapagpabook nakami ng ticket. Habang nasa loob ng theatro ay isip ng isip pa din kami pano nangyari iyong pagkawala ng camera niya. Hindi na tuloy namin naappreciate ang water puppet show. Isang dula na pinagagana ng puppeteers ang mga characters sa ibabawng tubig. Nabigyan nga ito ng international award dahil sa husay ng puppeteers at sa pagsasadulang mayamang kulturang Vietnam.
Pagkatapos ng show, nais man naming mag-ikot pa sa city ay minabuti na naming umuwi na sa hotel para magpahinga at kalimutan ang nangyari.
Dec.07’ 08 Sunday
Pagkagising ay kumain muna kami ng breakfast sa hotel. French bread na malaki with fried egg at Vietnamese coffee. Sinundo na kami ng aming tour guide para sa aming Halong Bay Tour. Apat na oras ang byahe papuntang Halong. Kahit antok na antok ay hindi ko tinulugan ang byahe para makita ang mga tanawin. Nasa northern part ito ng Hanoi. Dinaanan namin ang mga buildings, bukirin at mga sagingan, para din kaming nasa Pinas. Pinagkaiba lang ay malamig ang simoy ng hangin at hindi pwedeng wala kang jacket. Napansin ko ang pare-parehong itsura ng mga bahay. Karaniwan ay 3meters lang ang width ng façade, tatlo hanggang apat na palapagang mga bahay, walang overhanging eaves, may pediment at may mga pinnacles ang mga bubong. Napansin ko din na bricks ang ginagamit sa mga walls intead of CHB. Marahil ay iyon ay dahil sa availability ng materyales. Malambot kasi at mapula ang lupa ng Vietnam at hindi tulad natin na napapaligiran ng mga dagat kaya much available satin ang mga buhangin. Dumaan din kami sa Pottery stores para sa stop over. Magaganda sana ang mga paintings at vases pero mahal, presyong turista.
Malayo pa lang ay natatanaw na namin ang mga limestone formation. Kakaiba iyon dahil sa part lang na yon namuo ang mga limestone na rectangular ang shape. Pagdating sa port ay sumakay na kami ng cruise, malayo pa lang sa mga limestones ay nagpicture picture na kami. Sa aming cruise ay nagserved na ng drinks in can. Makatapos inumin ay hayan na ang mga tripulante ng bangka naniningil na ng aming nainom. Akala naming ay inclusive na yon sa aming package. Pagdating malapit sa fishing village ay sumakay ulit kami ng maliit na bangka (panibago ulit na bayad kahit sasandali langkaming umikot sa mga caves) para pasukin ang mga caves ng limestone. Parang Palawan lang din ang itsura pero kamangha mangha ang ganda at dami ng limestones na animo’y isinambulat lang sa lugar na yon ng Halong.
Pabalik ay nananghalian na kami, nagserved ulit ng sodas in can at panibago na naming bayad. Dumaong kami sa Dau Caves. Umpisa na yon ng trekking papasok ng caves. Umakyat bumaba kami. Maganda at preserved ang mga caves. Sari saring formation din ng stalactites at stalagmites. Inilawan din yon ng makukulay na ilaw para lumutang ang ganda ng loob ng kuweba. Pabalik ay doon kami naupo sa deck open air kaya napakasarap ng aming cruise, malamig ang simoy ng hangin habang sikat na sikat ang araw.
Hapon na ng makabalik kami sa port at 7pm na nang makabalik kami ng Hanoi. Naghapunan ulit kami sa Quan An Ngon. Umorder kami ng Crispy noodles w/ beef at kakaibang version ng vegetable salad wrapped in ricepaper. Ang sarap talaga sa Quan An Ngon. Pagkatapos ay naglakadlakad muli kami sa palibot ng Hoan Kiem Lake. Nagtingikn tingin ng mga pwede bilhin. Sabi kasi sa PEX forums ay nagkalat ang mga North Face bags ditto dahil ditto minamanufacture ang North Face. Madami nga ang mga nagdisplay na damit, bags, shoes pero animo’y classA imitations ang mga ito. Dalana rin ng malapit ito sa China. Madami padin ang nasa park karamihan ay mga lovers at pangkaraniwan na ang tanawin na nagtutukaan na parang walang bukas sa lakeside. How romantic! How I wish that RJ is with me.
Dec.08’ 08 Monday
Muli kaming gumising ng maaga para magbreakfat. Habang nagpreprepare ang staff ng hotel bumili muna si Leo ng toothpaste sa labas. Nahirapan siyang humanap dahil ang sistema ditto ay hindi tulad satin na mga one-sto-shop. Kung wine ang tinitinda sa isang store sa kahabaan ng kalye na yon ay puro wine ang tinda. Kung puro Christmas décor ay sa buong kahabaan ng street ay puro Christmas décor.
Dumating na ang aming tour guide for the Perfume Pagoda Tour, si Nam. 3 hours ang byahe. Sa totoo lang ay hindi namingmasyadong naenjoy ang tour na to dahil hindi maeffort si Nam na magexplain at magkwento sa aming pinuntahan pag hindi ka nagtanong. Minsang magtanong ka ay parang natatamad na siyang sumagot. Naikukumpara ko tuloy si Trang ng Hanoi Kids. Pagdating namin sa lugar ay ay kinailangan naming mamangka sa ilog papunta sa paanan ng bundok kung saan nahandon ang Perfume pagoda. Mga babae ang nagsasagwan. Bawat bangka ay may sakay na lima at anim na katao. May 45mins. Din kami sa bangka. Naenjoy namin ito ng husto., Magandaang mga tanawin. malamig ang hanging sumasalubong sa amin. Tahimik ang paligid habang lawiswis lang ng tubig na sinasagwan ang aming naririnig. Masarap matulog sa bangka na konting galaw lang ay maaaring bumaligtad. Pagbaba ng bangka ay ang mga temples na ilang daang taon na ang tanda. Sa paligid non ay mga vendors na sari sari ang mga tinitinda may mga Vietnamese delicacies, souvenirs at may ilang nagtitinda ng snake vodka at sariring inumin na nakalagay sa malalaking bote. Sumakay kami ng cable car at naglakad paakyat ng PerfumePagoda. Sa aming tour ay nakilala namin si Stanaga Duden isang Deutch at si Pete na isang Thailander. Inaasahan ko ay isang maganda at malaking pagoda yun pala ay isang kweba na simbahan ng mga Buddhist. Wala masyadong makikita kundi mga deboto na taimtimna nagdadasal sa madaming Buddhist gods and goddesses.
Pabalik ay nananghalian na kami at nagpicture picture sa mga lumang temples na hindi man lang naming nalaman ang pangalan. Pagkatapos ay namangka ulit pabalik. Pagbaba ay sinabihan kami ni Nam na magbayad sa bangkera. Nagtaka kami dahil package tour ang aming binayaran bakit kami magbabayad. Muli kong itinanong kay Nam at sinabi niyang magtip na lang. Nagbigay kami ng 20,000 (60pesos ang equivalent satin). Yun iba naming kasama ay hinahabol pang bangkera dahil bakit dawhindi nagbigay ng tip. Well, nasanay kasi ang mga bangkera sa mga nagbibigay ng tip kaya compulsory na ito.
Nakakapagod din kaya natulog na lang kami pabalik. Pagdating ay kumainmunakami saan pa e di Quan An Ngon ulit dahil hindi pa namin natatry yun ibang dishes nila. Umorder kami ng Stir fried noodles, unripe mango w/ bagoong pero pinagarbo ito dahil madaming toppings, cold noodles w/ seafood atbp. Inikot ulit naming ang Hoan Kiem para mamili ng Bastos Cigarette amin sanang ipampapasalubong pero isalang ang aming nabilan at last one na lang ang tinda niya. Bumalik kami malapit sa Highlands coffee para mamili ng pampasalubong na souvenirs, Trung Nguyen Coffee at fruit chips. Yun na ang last night namin sa Hanoi.
Dec.09’ 08 Tuesday
Flight na namin pabalik ng HK. Paalam na Vietnam. Sa maikli naming pamamalagi ay madami kaming natutunan sa inyong kultura. Sabi nga ng brother ko, wag na lang kaming umasang maganda ang Vietnam. Cultural immersion lang ang aming pakay. Hindi nga kami nagkamali dahil mayaman ang kultura nila. Preserved pa din magpahanggang ngayon at tunay na makabayan ang mga tao dito. Hindi man nagkakalayo ang pisikal na itsura ng bansang ito at ng mga mamayan dito sa Pilipinas ay bakit higit na ninanais puntahan ito ng mga turista. Sa totoo lang, di hamak na mas maganda ang Pilipinas. Sabi nga ng ilang banyagang nakasabay namin sa aming mga tour. Napuntahan na nila halos lahat ng bansa sa Timog Silangan Asya pero hindi pa sa Pilipinas dahil mapanganib at magulo sa ating bayan. Nakakwentuhan din naming ang tour guide. Hindi pa daw siya nakakapunta ng Pilipinas pero kilala niya si Pres. Estrada at Pres. Arroyo. Alam niya ang Edsa2 at alam niya ang terrorist attack sa bansa natin dahil napapanood niya lagi sa CNN. Mahirap man ang Vietnam ay mas nakapamasyal kami nakapaglakad sa paligid ng Hanoi ng walang anumang iniisip na baka may mang holdap o may manghablot ng aming mga gamit. Meron man mga masasamang elemento ay nananatili pa ding may takot ang mga sibilyan dito at iginagalang ang mga pulis Nakakalungkot lang isipin!

Music of the 90’s
Habang abalang abala ako sa pagsusurf ng mga online jobs, natigilan ako nang madinig ang pinatutugtog ni RJ sa kanyang laptop, ang Always by Erasure (Always I wanna be with you, And make believe with you, And live in harmony harmony oh love). Natigilan ako, tumayo at sumayaw na para bang nirerecall pa’no nga pala ang mga steps nito. Nasa playlist nya rin ay ang ilan sa mga sumikat na sayaw noong early and late 90’s bago pa nauso ang mga girland boy bands: Pump Up the Jam by Technotronic, Super Sonic by JJ Fad, Electric Youth by Debbie Gibson, Extacy Extano by Chimo Bayo, How Gee by Black Machine, Stars by Simply Red, Dying Inside To Hold You by Timmy Thomas, Boom Shakalak by Apache Indian, Informer by Snow, Rhumpshaker by Wreckx n Effect, The Sign by Ace of Base, Macarena by Los del Rios, Ragamuffin Girl by Apache Indian, 100% Pure Love by Crystal Waters, atbp. (kung di mo alam ay hindi tayo magka-age bracket).
Napakamemorable kasi ng mga sayaw na to sa akin dahil naaalala ko ang masasaya kong moments ng aking kabataan at matagal tagal na rin bago ko ulit nadinig ang mga to lalo ngayon na nagsulputan na ang napakadaming kanta at sayaw. Naalala ko din na noon nga pala umpisang nauso ang labanan ng hip hop at metal, dahil sa ayoko ng maingay ay sa pagsasayaw na lang ako nawili (Jologs na kung jologs pero aminin natin na once in our teenage days ay nahook tayo sa mga tugtog na to.)
Kasabay ng pag reminisce ko sa mga nausong sayaw na mga to ay naalala ko ang mga arawna nagprapractice kami para sa mga programs. Nasaan na nga kaya ang mga classmates at mga kaibigan na nakasama kong sayawin ang mga tugtuging ito? Haay ambilis ng panahong lumipas, mahigit dekada na nga pala ang nagdaan mula ng mauso ang mga to. Marahil ay kung maririnig din nila ang mga tugtuging ito ay maalala din nila ang aming elementary at highschool days at maaalala din nila ang mga araw na aming pinagsamahan

Subscribe to:
Posts (Atom)